My Photo
Name:
Location: San Diego, California, United States

Welcome! I'm Meinard "Maestro" Belarmino, Home & Living has always been one of my favorite subjects and History, Music, Arts, Faith, People, Places, Friends, Politics(?) and Family is my life. I hope you'll be interested in some of my subjects. So, please take a look around and reflect yourself. I'll try to add new material regularly to keep my site fresh, so check back often! It took a lot of time to publish a good website especially dedicated to everyday people, the real people & friends I've always met everyday, I've been busy working for a living, like you guys out there. But I'm glad to be here to Welcome YOU! Please give your comments, inputs and suggestions to improve this site. All the items you read here are from facts and variety of opinions of other people like you. Your freedom of self-expression here on the Net. Thanks for your time...Don't forget to click other links here on the main page! Don't forget to visit my archives too! There are more to see,listen,learn and to discover. Let's explore the wonderful world of (W.W.W.)World Wide Web! Sometimes... if not always "Weird Wide World". Whatever, it is good..."TULOY LANG PO KAYO!"

Thursday, March 01, 2007

Naalaala mo pa ba?

Di ko alam kung ganito ang kabataan ninyo noon --pero sana ay magustuhan ninyo ang munting kwento ito.
NA AALALA MO PA BA... Sana masayahan ka ...masarap alalahanin... KAPAYAPAAN SA KAUNLARAN Heto ang KAPAYAPAAN na alam ko, kahit wala pang KAUNLARAN... Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sapaaralan; Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron gumamela lang; 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga,singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo. Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro at Maestra. Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mokakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal'soffice o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak... Pwedeng iwan an g sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon. Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter)na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong akopara sa preno; patining na pinitpit na tansan lang namay 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwedepang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca,borador, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: laste,gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kahang Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang petot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mopa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na ri n... mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay,nakikidnap, maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Nauna silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo... Balik tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroonng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Tayo noon... Doon... Tinutukoy ko ang harang taga (tambubong) o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "MgaAninong Gumagalaw" Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table nakabisado natin, kasi wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo... Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig natayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sapwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon; naglako kaba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kayang lukaok, susuwi at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa"berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola! Yung crush mo? Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang matika, at mauling naang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy. Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan, ang palutong pagisawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasipuno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tulika; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit parasa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na almirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan... May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito Ito ba ito?".. Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten.. Presedente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman. Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti. Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa ..Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal kang taya sa jolens. Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN Pustahan tayo nakangiti ka pa rin. Nasa iyo ang susi... paki-buksan lang kaibigan.. .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home