Kilala mo ba si Rizal? 'Wag kang FLIP...@ibpa!!!

My Photo
Name:
Location: San Diego, California, United States

Welcome! I'm Meinard "Maestro" Belarmino, Home & Living has always been one of my favorite subjects and History, Music, Arts, Faith, People, Places, Friends, Politics(?) and Family is my life. I hope you'll be interested in some of my subjects. So, please take a look around and reflect yourself. I'll try to add new material regularly to keep my site fresh, so check back often! It took a lot of time to publish a good website especially dedicated to everyday people, the real people & friends I've always met everyday, I've been busy working for a living, like you guys out there. But I'm glad to be here to Welcome YOU! Please give your comments, inputs and suggestions to improve this site. All the items you read here are from facts and variety of opinions of other people like you. Your freedom of self-expression here on the Net. Thanks for your time...Don't forget to click other links here on the main page! Don't forget to visit my archives too! There are more to see,listen,learn and to discover. Let's explore the wonderful world of (W.W.W.)World Wide Web! Sometimes... if not always "Weird Wide World". Whatever, it is good..."TULOY LANG PO KAYO!"

Tuesday, August 22, 2006

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos, Bulakan

Please click the hyperlink:
http://www.gutenberg.org/files/17116/17116-h/17116-h.htm

Mi Ultimo Adios by Jose Rizal

Please click the hyperlink:
http://www.gutenberg.org/files/18600/18600-h/18600-h.htm

El Filibusterismo " The Reign Of Greed"

Please click the hyperlink:
http://www.gutenberg.org/files/10676/10676-h/10676-h.htm

Monday, August 21, 2006

Mga Pabula Ni Aesopo

The introduction and selections of Aesop's fables in Tagalog were taken from R. M. Custodio's Pabula:
Isang Makabagong Koleksyon © 1996, True-Copy Publishing House, Valenzuela, Metro Manila, Philippines

PANIMULA (Introduction)

Natatandaan ko noong bata pa ako, madalas akong kuwentuhan ng aking kapatid. May isa siyang munting aklat na madalas basahin sa akin na naglalaman ng mga sari-saring kuwento tungkol sa mga hayop na nagbibihis at kumikilos na parang tao.

Noon, hindi ko pa alam na PABULA (fable) pala ang tawag sa mga kasaysayang iyon. Basta't pinapakinggan ko lamang sila habang isinasalaysay sa akin ng aking kapatid at tinatawanan sa mababaw nitong kahulugan. Ang hindi ko alam, ang mga kasaysayan palang iyon ay isang buhay na pangaral base sa tunay na pag-uugali at pamumuhay ng mga tao. Nang ako ay magka-isip, at saka ko lamang naunawaan ang lahat.

Napag-alam kong nasa mga pabula pala ang mga simpleng aral sa buhay na madalas maging solusyon sa mga problemang madalas nating harapin. Tulad ng mga sumusunod:

Ang Lobo at ang Kambing (The fox and the goat) -- Huwag magpapaloko. (Don't allow yourself to be deceived.)

Ang Uwak na Nagpanggap (The pretending crow)-- Huwag itago ang totoong pagkatao. (Don't pretend to be what you are not.)

Ang Aso at ang Kanyang Anino (The dog and his shadow)-- Huwag maging sakim sa kapwa. (Don't be greedy.)

Ang Inahing Manok at ang Kanyang Mga Sisiw (The hen and her chicks) -- Huwag iasa sa iba ang trabahong nais isagawa. (Don't expect other people to do the work for you.)

Ngunit higit sa lahat, sa pamamagitan ng mga pabulang iyon kung kaya't higit kong naunawaan ang aking sarili...at higit na nakilala ang aking pagkatao.

ANG LOBO AT ANG KAMBING
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narinig ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"
"Huwag kayong mabahala mga anak,"
ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"
Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

Sunday, August 20, 2006

Pilipino ka ba?

Pilipino ka ba? Masubukan nga.

Napuntahan mo na ba ang Hundred Islands? Nasaan ba ito?

Ano ang capital ng Batanes?

Tagalog ba ang pambansang wika natin?

Ilang pulo mayroon ang bansa?

Kapag low tide o high tide?

Ano sa tagalog ang horizon?

Nasaan ang Saranggani?

Boracay lang ba ang alam mong dagat?

Banahaw lang ba ang bundok sa bansa?

Ang Arayat ba ay bundok o bulkan?

Ang Palawan ba'y nasa Luzon?

Nasaang continent ba ang Pilipinas?

Ikaw ba ay isang Asian o Malay?

Ano ang alam mo sa canao, pinikpikan, kulintangan, binua, pilandok, talindao, pusong, gahum, dalumat?Habagat?

Ano sa palagay mo? Ok ka ba?

Tayo nang magsuroy-suroy.
Lakbayin ang ating bansa.
Alamin ang sariling kultura.
Saliksikin ang ating pagka-Pilipino!

Ang sabi ni Pepe...


To Jose Rizal, what is the most important contribution of every Filipino to his country’s progress?
The main thing is that every Filipino must be a good man, a good citizen so that he can help his country (where he or she lives) to progress by contributing his heart, and if need, be his arm. (With the head and heart, we ought to work always; with the arm when the time comes when physical strength is needed. The principal tool of the heart and the head is the pen. Other prefer the brush; others the chisel. On my part, I prefer the pen.

Rizal's Famous Quotations

"Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."
("He who does not love his own language is worse than an animal and smelly fish.")

"It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice."
("While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty.")

"Walang api kung walang magpapa-api."
("There can be no tyrants where there are no slaves.")

"Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan."
("He who does not know how to look back at where he came from will never get to his destination.")

" Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan "
"The youth is the hope of our future."

Friday, August 18, 2006

Noli Me Tangere (Social Cancer)

Full English Version of Noli Me Tangere by Dr. Jose P. Rizal
click here: http://ia300139.us.archive.org/0/items/8sccn/8sccn10.txt